Napili ang QC Kabahagi Center bilang isa sa posibleng Learning Site para sa darating na 2025 Asia-Pacific Regional Conference on Early Childhood Development na gaganapin sa July 1-3 sa EDSA Shangri-La Hotel.
Inorganisa ng National Early Childhood Care and Development (ECCD) Council kasama ang Asia-Pacific Regional Network for Early Childhood (ARNEC) ang international conference na ito na nakatuon sa mahahahalagang tema kabilang ang disability-inclusion.
Kasama sa mga mapag-uusapan ang community-based approaches na nagtitiyak ng accessible Early Childhood Development services para sa mga batang may kapansanan.
Bumisita ngayong araw ang program officers ng National ECCD Council upang personal na masaksihan ang programa ng QC Kabahagi na ibabahagi sa local at international delegates.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng lungsod sa inklusibong Early Childhood Development services para sa lahat ng bata, anuman ang kanilang kakayahan.








