Mahigit 300 na kabataang may kapansanan ang nakatanggap ng Occupational Therapy, Physical Therapy, at Speech Therapy Home Programs sa tulong ng programang TheraFree ng QC Kabahagi Center.

Kasama sa mga naserbisyuhan ang 13 na bata mula sa Bahay Kalinga na nangangailangan ng professional assessment.

Layunin ng programa na makapagbigay ng home instruction programs para sa mga bata upang maiwasan ang delay sa development habang naghihintay sa kanilang pormal na 10-session Flexicoaching Program mula sa Kabahagi Center.

Maraming salamat sa UP CAMP Alumni Association at sa 61 volunteers na naglaan ng oras upang maglingkod sa mga bata sa ating lungsod.

+4