Sinimulan ngayong araw ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) ang dry run para sa pagpapatupad ng bagong parking regulations sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue at Timog Avenue.
Sa ilalim ng bagong patakaran, libre ang paggamit ng mga pampublikong parking area. Pinapayagan ang mga sasakyan na pumarada nang hanggang tatlong (3) oras lamang, at kinakailangang ilipat ang mga ito sa ibang parking spot pagkatapos nito. Ang mga hindi susunod sa patakaran ay makakatanggap ng notice of violation.
Layunin ng dry run na ayusin ang daloy ng trapiko at public parking spaces sa lugar.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bagong regulasyon, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng Quezon City Government:
https://www.facebook.com/share/p/17NmVVEo2k/








