Patuloy ang pagbabantay ng mga kawani ng QC Government, sa mga kalsadang malapit o papunta sa mga sementeryo upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng QCitizens na bumibisita sa mga sementeryo.

Ang mga daan na kabilang sa binabantayan ngayon ay Col. Bonny Serrano Ave. na malapit sa San Juan City Cemetery. Kasama rin ang Genernal Luis St., A. Bonifacio Ave., Quirino Highway cor Lealand Dr., Katipunan Ave., N.S. Amoranto cor. Mariveles St., Pablo Dela Cruz St. at mga kalsada sa La Loma. Binabantayan din ang Jac Liner Terminal sa Quezon City.

Kabilang sa mga kawani na nagbabantay ay ang Task Force for Transport and Traffic Management (TF-TTM), Department of Public Order and Safety (DPOS), QC Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Quezon City Police District (QCPD), at Barangay officials.