Dumalo ang delegasyon ng Quezon City Local Government Unit sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte sa isang hapunan kasama ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea na pinamumunuan ni Philippine Ambassador to the Republic of Korea Her Excellency Ma. Theresa Dizon-De Vega.

Niregaluhan ni Mayor Belmonte si Ambassador Dizon-De Vega ng ceremonial ‘Key to the City’.

Nagpunta sa South Korea si Mayor Joy kasama ang ilang opisyal mula sa Quezon City LGU kabilang ang ilang department heads, District Action Officers at mga Barangay Captain para sa Benchmarking on Sustainable and Adoptable Best Practices in Seoul, Republic of Korea.