Nagkaroon ng break-out activities ang delegasyon ng Quezon City Local Government Unit sa pangunguna ni Coun. Alfredo Roxas, President, QC Liga ng mga Barangay at Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Ma. Margarita Santos sa ikatlong araw nila sa South Korea.

Pinuntahan ng grupo ang iba’t-ibang recycling facilities kagaya ng Mapo Recycling Center, Gangnam Recycling Center at Seoul Upcycling Plaza.

Doon ipinakita ang iba-ibang paraan ng recycling at upcyling kung saan ang mga luma o patapon nang mga bagay ay muling ginagamit para makagawa ng bagong produkto.

Ibinida rin ang mga nagagandahang recycled products gaya ng mga chandelier na gawa sa recycled bottles, bags na gawa sa lumang maong, house decors, sari-saring artworks at iba pa.