Naglaan ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan bilang suporta sa mga QCitizen na may pasok o lakad ngayong transport strike. Kasama rito ang QC bus na may walong ruta sa buong Lungsod Quezon.

Naghanda rin ng mga police truck at bus ang Quezon City Police District, gayundin ang QC General Services Department bilang dagdag na sakayan para sa mga nais bumiyahe ngayon sa lungsod.

Kasalukuyang umaalalay ang Traffic and Transport Management Department sa Commonwealth Litex at Roosevelt Munoz.

Narito ang walong ruta ng ating Q City Bus Service: https://www.facebook.com/100069139452704/posts/pfbid0uigeUUwhr5hZDQ16Lfm471JMi5GYSyuayF9aotrDi59kYoh5LfYtrRpfB8yC8fSKl/?mibextid=cr9u03

+15