Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong ang mga miyembro ng QC Local Advisory Council (LAC) kahapon.
Pinag-usapan kung paano mas mapapabuti ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong, na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng DSWD at iba pang mga departamento at opisina ng pamahalaang lungsod.








