Congratulations sa mga QCitizen student na nanalo sa QC Minecraft Challenge ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department, C40 Cities, at Minecraft Education!

Kinilala ng lungsod ang Old Balara Elementary School (G4-G6 category), Ateneo De Manila Junior High School (JHS category), at San Francisco High School (SHS) bilang overall team champions sa patimpalak.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na mahalagang mapakinggan ang suhestyon ng mga kabataan sa pagbubuo ng mga programa upang maprotektahan ang kalikasan.

Ayon pa sa alkalde, ang mga kabataan ang magsisilbing inspirasyon sa kanilang kapwa kabataan na makiisa sa mga climate program ng lungsod.

Panalo rin ang mga sumusunod na paaralan sa iba pang pagkilala:

Most Innovative Build

G4-G6 category – Old Balara Elementary School

JHS category – Jose P. Laurel High School

SHS category – Leandro Locsin Integrated School

Special Citation for the Most Impactful Proposal

G4-G6 category – Villa Verde Elementary School

JHS category – Ateneo De Manila Junior High School

SHS category – San Bartolome High School

Special Citation for the Best Pitch

G4-G6 category – 15th Avenue Elementary School

JHS category – Camp General Emilio Aguinaldo High School

SHS category – San Francisco High School

Nailunsad noong Abril, ang QC Minecraft Challenge ay nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na magdisenyo ng makabago at natatanging solusyon na makakatulong sa pagharap sa hamon ng Climate Change, sa pamamagitan ng Minecraft Education.

May be an image of 11 people and text
May be an image of 10 people and text
May be an image of 10 people and text
May be an image of 12 people and text
May be an image of 11 people and text
May be an image of 10 people and text
May be an image of 10 people and text
May be an image of 10 people and text
May be an image of 9 people and text