TODAY IS QC MSME DAY!
Dumalo ang mga Quezon City-based entrepreneurs sa idinaos na QC Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMEs) Day Convergence 2024 na pinangasiwaan ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO).
Bahagi ng pagdiriwang ang one-stop shop services ng mga ahensya ng gobyerno at private organizations na makakatulong sa pagpapalago at pagpoproseso ng mga dokumentong kailangan ng MSMEs.
Iprinisenta rin ng speakers mula sa national government at QC government ang iba-ibang programa at serbisyong mapakikinabangan ng MSMEs.
Ginawaran naman ng SBCDPO ang unang 14 QCertified businesses na nakatapos ng naturang programa. Binigyan din sila ng pagkakataong ibahagi ang kani-kanilang stratehiya para mapaunlad ang kanilang mga negosyo at mahikayat ang mga tulad nilang MSMEs.
Dumalo sa event sina Vice Mayor Gian Sotto, SBCDPO Head Mona Yap, Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Francis Javillonar, at Philippine Chamber of Commerce and Industry-Quezon City President Atty. Arnel Mateo.