PANOORIN: Narito ang highlights ng Obesity Summit 2025 na inorganisa ng Quezon City Government, katuwang ang Royal Danish Embassy, at Novo Nordisk Philippines.
Tinalakay sa summit ang iba-ibang haka-haka at maling pakahulugan ukol sa obesity, sa pangunguna nina Dr. Sioksoan Chan Cua at Dr. Cyrus Pasamba. Layon ng pagtitipon na palawakin ang kamalayan ng publiko ukol sa epekto ng obesity sa kalusugan at sa lipunan.
Nagbigay naman ng mensahe si Mayor Joy Belmonte ukol sa iba-ibang inisyatiba ng lungsod para maisulong ang malusog na pamumuhay sa mga QCitizen.
Nagpahayag din ng kanilang suporta sina Royal Danish Embassy Ambassador to the Philippines His Excellency Franz-Michael Mellbin, Novo Nordisk Pharmaceuticals (Philippines), Inc. General Manager Wei Sun, at Department of Education Asec. Georgina Yang.
At para pagtibayin ang pangako ng lungsod sa paglaban sa obesity, itinurnover ni Mayor Joy sa Quezon City Council ang Healthy QC Ordinance- isang kumpleto at komprehensibong polisiya na magtatakda ng central framework para sa kalusugan ng bawat QCitizen.
Dumalo rin sa summit sina Coun. Aly Medalla, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Dave Valmoncia, Coun. Ram Medalla, Coun. Kristine Matias, SK Federation President Coun. Sami Neri, at mga department head at school officials.





