Nilagdaan ng mga konsehal ang Zero Child Labor Manifesto ni Mayor Joy Belmonte sa ginanap na 70th Regular Session Addendum No. 3 ng 22nd Quezon City Council.

Layon nitong palakasin ang adbokasiya na tuluyang wakasan ang anumang uri ng child labor at exploitation. Ipinapakita rin ang pakikiisa ng Sangguniang Lungsod sa Child Labor Prevention and Elimination Program.

Ipinasa rin ang PR22CC-940, isang resolusyon na nananawagan sa lahat ng institusyon at ahensya ng gobyerno, at mga stakeholders na makibahagi sa pagdiriwang ng World Day Against Child Labor tuwing buwan ng Hunyo.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kinatawan ng World Vision – Project ACE at Department of Labor and Employment.

Pinangunahan nina Acting Vice Mayor Joe Visaya bilang Presiding Officer at Coun. Egay Yap ang pagpapatibay ng Zero Child Labor Manifesto.

+10