Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isang museum tour ang inihanda ni Mrs. Maribel Mijares, maybahay ni Cong. Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, para kina Mayor Joy Belmonte at mga konsehal ng Lungsod Quezon.
Sa loob ng Sugwak tu Agusan, tampok ang iba-ibang exhibit at artifacts na ipinapakita ang mayamang kasaysayan, kultura, at tradisyon ng lalawigan.
Dumalo rin sa pagbisita sa provincial museum sina Vice Gov. Patricia Anne Plaza, Coun. Aly Medalla, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herrera, Coun. Charm Ferrer, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Migs Suntay, Coun. Ellie Juan, Coun. Sami Neri, Chief of Staff Rowena Macatao, at city department heads ng QC.
Ang tour ay bahagi ng pagdalaw ng lokal na pamahalaan sa AgSur kasabay ng pagdaraos ng Palarong Pambansa.










