Binisita nina Mayor Joy Belmonte at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang Provincial Research Development and Innovation Office (PRDIO) ng lalawigan ng Agusan del Sur.
Sa tour na pinangunahan ni Vice Governor Patricia Anne Plaza, nasaksihan ng delegasyon ng Quezon City ang state-of-the-art soils laboratory na itinayo ng pamahalaang panlalawigan para suportahan ang mga magsasaka sa AgSur.
Ipinakita rin ang mga equipment at proseso sa pananaliksik ng opisina para mapaunlad ang industriya ng agrikultura ng probinsya.
Ang pagbisita ay bahagi ng kanilang official visit sa Agusan del Sur kasabay ng pagdaraos ng Palarong Pambansa.
Kasama rin sa tour sina Coun. Aly Medalla, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herrera, Coun. Charm Ferrer, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Migs Suntay, Coun. Ellie Juan, Coun. Sami Neri, Chief of Staff Rowena Macatao, at department heads ng pamahalaang lungsod.










