Pinangunahan ni Quezon City Administrator Michael Victor Alimurung ang isa pang Focus Group Discussion (FGD) bilang bahagi ng patuloy na serye ng mga FGDs para sa QC Open Infra initiative.
Kasama sa talakayan ang mga OpenGov advocates. Kabilang na ang National Coordinator ng Bantay Kita na si Prof. Cielo Magno, Atty. Dante Gatmaytan, ang President ng WeSolve Foundation Inc. na si Mr. Kenneth Abante, Prof. Benjamin Barretto, at ang Project Lead ng MyNaga App at CEO ng Stride Technologies na si Mr. Andrew Mendoza.
Nakibahagi rin sa aktibidad si Mayor Joy Belmonte, Business Permits and Licensing Department Head Marge Mejia, na nagbigay ng presentasyon, gayundin ang mga kinatawan mula sa Quezon City Department of Engineering (QCDE) sa pangunguna ni Atty. Dale Perral, Parks Development and Administration Department (PDAD) kasama si Arch. Red Avelino, City Architects Department (CArD), Quezon City Infrastructure Committee, at iba-ibang mga ahensya.
Layunin ng FGDs na talakayin ang mga paraan upang mas mapabuti pa ang QC Open Infra initiative ng lungsod.








