Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kasalukuyang nanunuluyan sa Camp Karingal covered court ang mga pamilyang naapektuhan ng muling pagsiklab ng sunog sa bahagi ng NIA Road kaninang hatinggabi.
Pansamantala ring binuksan para sa evacuees ang Brgy. Vasra Multipurpose Hall sakaling kailanganin pa ng karagdagang evacuation site.
Agad umalalay sa mga apektadong QCitizen ang Social Services Development Department (SSDD), habang nagsagawa naman ng cleanup operation ang mga tauhan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of QC sa lugar.










