Nagsagawa ng benchmarking sa tanggapan ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ang mga opisyal at myembro ng University of the Philippines Media and Public Relations Office (UP MPRO).

Sa pangunguna nina UP Vice President for Public Affairs Dr. Roland Tolentino, MPRO Director Larissa Mae Suarez at Kim Quilinguing, inalam nila ang mga proseso at trabahong ginagawa ng PAISD para maghatid ng impormasyon sa publiko.

Kabilang naman sa humarap sa kanila si City Administrator Michael Alimurung.

Bukod sa palitan ng kaalaman sa social media management, content creation, at mga tungkulin at dibisyon ng departamento, ipinakita sa mga bisita ang makabagong studio ng PAISD.

+18