Kinilala ng USAID ang Quezon City Persons with Disability Affairs Office (QC PDAO) dahil sa kanilang programa para sa mga Out of School Youth mula sa sektor ng persons with disability.

Kabilang sa mga programa ng PDAO ang pamamahagi ng social welfare assistance, children with disability assessment program (CDAP), assistive devices, at pre-employment training para sa kanilang pagpasok sa Quezon City Government bilang bahagi ng Kasama ka sa Kyusi program.

Kabilang din sa inireport ng PDAO sa Local Resource Inventory Report ng USAID ang Art Workshop bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week.

Tinanggap ng QC PDAO ang award noong November 19 sa Novotel Manila sa Cubao.

+11