Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang idinaos na 4th Quarter 2022 meeting ng Quezon City Peace and Order Council (QC-POC) sa 15th floor, Executive Building, QC Hall.
Tinalakay sa pagpupulong ang updates tungkol sa mga CCTV Cameras sa mga subdivisions at eskwelahan, ang QCPD naman ang nag-ulat tungkol sa over-all Peace and Order situation at analytics, iniulat din ng BCRD ang pagsasagawa ng Barangay Peace and Order and Public Safety (BPOPS) Planning Workshops, nagbigay din ng updates ang QCFD sa TWG on Fire Prevention and Mitigation at ang panukalang magdagdag ng Fire Sub-stations sa lungsod, at nag-report din ng updates ang Task Force Disiplina.
Pinag-usapan din sa meeting ang pagpasa sa three-year QCPOPS Plan 2023-2025., at ang desisyon ng lungsod ukol sa paggamit ng firecrackers at fireworks.
Dumalo bilang kinatawan ni Vice Mayor Gian Sotto si Atty. Rio Santos, Assistant City Administrator Alberto Kimpo, Councilor Ranulfo Z. Ludovica, BCRD head Ricardo B. Corpuz, QCPD District Director PB Gen. Nicolas D. Torre III, DCP Raymund Oliver S. Almonte, Chief of Staff & SSDD OIC Rowena Macatao, PAISD head Engelbert Apostol, QC-BAS head Hadji Jameel RM Jaymalin, RCS Communications Service Officer Carlos I. Verzonilla, City Treasurer Edgar T. Villanueva, TTMD OIC Dexter C. Cardenas, TF-Disiplina Action Officer Deck Pelembergo, DPOS head BGEN. Elmo DG. San Diego (Ret.), at mga kinatawan ng mga miyembro ng council.