Nagsagawa ng training ang QC People’s Law Enforcement Board (QC-PLEB) sa 44 miyembro ng QC Helpline 122 Personnel mula sa Quezon City Citizen Services Department (QCCSD).

Nakiisa sa training si Hotline 8888 National Citizens’ Complaint and Action Division Head Roberto

Villarosa.

Isa sa mga tungkulin ng QC Helpline 122 ang magbigay ng tulong at payo sa mga QCitizen na nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga miyembro ng Quezon City Police.

Layunin ng pagsasanay na tiyaking handa ang mga tauhan ng QC Helpline 122 na tumanggap ng mga tawag at reklamo laban sa mga pulis, at maiendorso ito agad sa QC-PLEB.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ni QC-PLEB Chief Administrative Officer Atty. Terence Thomas M. Cosare, at dinaluhan din nina QC-PLEB Board Secretary IV Ma. Nazareth Umali, at QC-PLEB Board Secretary IV Joanna Marie Salalila.

#PwedesaPLEB

#PLEBQC

#Dial122

+2