Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Disability Rights Week, pinangunahan ng QC Persons with Disability Affairs Office ang orientation at deployment ng PWD employees sa mga stores ng Jollibee Foods Corporation.

Aabot sa 49 empleyado ang nai-deploy sa iba-ibang stores ng JFC sa QC tulad ng Jollibee, Chowking, Burger King, at Greenwich. Mabibigyan ang mga benepisyaryo ng limang buwan upang makapaghanapbuhay.

Ayon kay PDAO-QC head Ms. Debbie Dacanay, patuloy lamang ang pakikipagtulugan ng QC at ng pribadong sektor upang mapataas ang antas ng mga PWD sa lungsod.

Matatandaan na lumagda sina Mayor Joy Belmonte at JFC Chief Human Resources Officer, JFC Philippines and Global Head for Organization, Leadership and Culture, Jollibee Group Ms. Ruth Angeles sa kasunduan bilang tanda ng pagpapatibay ng kanilang ugnayan.

+6