Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga parangal mula sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR), kasama si DOLE-NCR Director Rowella Grande.
Kabilang sa mga natanggap ng Quezon City Public Employment Service Office (PESO) ang 2025 Best Performing PESO Awards para sa:
• Best in SPES Facilitation with the Private Sector (Bracket 4)
• Best in Labor Market Information (LMI) (Bracket 4)
Ginawaran din ang QC PESO ng Plaque of Appreciation bilang pagkilala sa ambag nito sa pagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa ginanap na Industry Forum ng DOLE NCR.
Tumanggap din ng Plaque of Appreciation sina Mayor Joy Belmonte at QC PESO Manager Rogelio Reyes para sa kanilang pamumuno at suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang employment services sa lungsod.







