Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naging makulay at masaya ang elimination round ng QC Pride Dance Contest: “Indak ng Pagkakilanlan at Kalayaan” na ginanap sa Farmers Plaza, Araneta City. ![]()
![]()
Itinanghal bilang mga finalist ang mga grupo mula sa Barangay Bungad, Barangay Pasong Tamo, at Barangay Sangandaan.
Nagsilbing hurado sa dance competition ang professional choreographer at dancer na si Jomelle Era, QC GAD Council Consultant Ging Cristobal, at DEI Strategy Consultant na si Dawn Mendoza.
Abangan ang final round dahil magkikita-kita muli ang mga finalist sa entablado ng Lovelaban Pride Festival 2026 sa June 27 sa UP Diliman.










