Pride Run sa QC!
All out ang saya at enerhiya ang Tomas Morato ngayong araw sa QC Pride Run!
Nagbigay-saya sa entablado sina LesQrew, Kay Cal, Drag Queen Marla Gorr, Rhian Ramos, at Allen Dizonna bilang pakikiisa sa diversity, equality, at inclusivity ng lungsod.
Nagkaroon din ng libreng HIV testing para sa lahat at HPV Testing for Cervival Cancer para naman sa mga kababaihan sa pangunguna ng Quezon City Health Department (QCHD).
Hindi rin nagpakabog ang ibang runners at umawra sila expressing their authentic selves.
Nagbahagi naman ng inspirasyon sina Leslie Ampuan, L.O.V.E President, QC Rainbow Queen 2024 Nadie Fernandez, ASEAN Sogie Caucus Chairperson Ging Cristobal, Aldo and Alex, LGBTQI+ Advocate and Alliance Pride PH, QC Rainbow Pride Council President P/B Dondon Dacones, at Runrio Inc President Rio Dela Cruz.




