Bilang bahagi ng month-long Pride celebration ng Quezon City, isinagawa ang kauna-unahang QC Pride Talks na nakatuon sa malalim na talakayan tungkol sa LGBTQIA+ rights at mga umiiral na batas na nagtataguyod ng kanilang proteksyon at dignidad.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang programa, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsusulong ng inklusibong pamamahala tungo sa pagkakapantay-pantay, inclusivity, at katarungan.
Tampok sa talakayan si Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña na nagbahagi ng mensahe tungkol sa kasaysayan ng Pride sa bansa at ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon.
Nakiisa rin sa programa sina DSWD Special Committee on LGBTQIA+ Affairs Undersecretary Elen De Vibar Pasion, Drag Artist na si Brigiding, at Miss International Queen Philippines 2026 Red Spiegelman, na nagbigay kulay at boses sa diskurso ng pride at kultura.
Kaisa ang Lungsod Quezon ng LGBTQIA+ community sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, paggalang, at proteksyon sa karapatan ng bawat isa kung saan ang lahat ay may boses, espasyo, at kalayaang magmahal.
Happy Pride! ![]()
![]()










