Binigyang-pagkilala ni Mayor Joy Belmonte ang kahusayan ng mga prosecutor sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin, sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony ng QC Prosecutor’s Office.
Ayon sa alkalde, napakalaki ng papel ng mga piskal sa pagsisilbi sa mga mamamayan lalo na mula sa pinakamahirap na sektor upang makamit nila ang hustisya. Hangad ni Mayor Joy na maipagpatuloy ng mga prosecutor ang pagbibigay ng pantay at walang kinikilingang hustisya para sa lahat.
Bilang pasasalamat sa kanilang pagseserbisyo, patuloy na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ang QC Prosecutor’s Office, tulad ng pagtataas ng kanilang monthly allowance at pagpapagawa sa kanilang bagong gusali.
Malugod na sinalubong si Mayor Joy ng mga prosecutor, sa pangunguna ni City Prosecutor Vimar Barcellano.