Pantay at inklusibong pamamahala sa Quezon City Government!
Kinilala ng pamahalaang lungsod ang mga departamentong nanguna sa pagsusulong ng karapatan at pantay na pagtingin at pagturing sa mga miyembro ng LQBTQIA+ community.
Binigyan ng QC Rainbow Award ang Quezon City Public Library, Quezon City Health Department, at Public Affairs and Information Services Department dahil sa masigasig nilang pagtitiyak ng gender inclusivity sa kani-kanilang opisina, at serbisyong ibinibigay sa mga QCitizen.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pagbibigay ng award, kasama sina GAD Council TWG Office Chief Janete Oviedo, Human Resource and Management Department Head Atty. Noel Del Prado, at mga konsehal.
