Iginawad kay Mayor Joy Belmonte ang plaque of appreciation mula sa QC Rainbow Pride Council sa pangunguna ng presidente nito na si Kap. Anthony “Don don” Dacones sa ginanap na QC Rainbow Pride Council Christmas Gala Night.

Noon pa man ay kinikilalang kampeon ng LGBTQIA+ si Mayor Joy dahil sa patuloy na pagsulong ng mga polisiya na layong protektahan ang karapatan ng QCitizens anuman ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) tulad ng Gender-fair Ordinance, mga hakbang para makamit ang Zero HIV and AIDS @ 2030, at mga programa upang kilalanin ang QC bilang LGBTQIA-friendly city.

Kabilang din sa ginawaran ng pagkilala si Coun. Ellie Juan bilang katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagsulong ng mga karapatan ng LGBTQIA+ sa Sangguniang Panlungsod.

Congratulations din sa mga ‘queens’ na rumampa suot ang kanilang long gown at sa grupong The We Pride Council District 6 na nagwagi sa ginanap na Gala Night.

Kaisa ng pamahalaang lungsod ang LGBTQIA+ community sa pagsulong ng discrimination-free and safe space para sa lahat, anuman ang iyong gender identity.