Patuloy ang pagpapailaw sa iba-ibang bahagi ng lungsod bilang bahagi ng inisyatibo ng QC Re Vibe Project, na naglalayong higit pang pagandahin at gawing mas ligtas ang mga pangunahing lansangan ng Lungsod Quezon.
285 lamp posts na ang naikabit sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue, mula E. Rodriguez Sr. Avenue hanggang Eugenio Lopez Drive. 121 sa mga ito ay napailaw na sa kasalukuyan, partikular sa bahagi mula Roces Avenue hanggang Timog Avenue. Nagsimula ang proyekto noong Agosto 5 at inaasahang matatapos sa katapusan ng Oktubre.
Layunin din nitong masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga QCitizens na dumaraan o naglalakad sa lugar. Patuloy ang Quezon City Government sa pagpapailaw ng mga pangunahing lansangan bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagsisikap nitong gawing mas maliwanag, mas maaliwalas, at mas ligtas ang buong lungsod.



