Nagpapatuloy ang QC ReVibe Project ng Quezon City Government sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, kabilang ang Quezon Avenue sa District 1, Litex Market sa District 2, Aurora Boulevard sa District 3, Timog Avenue sa District 4, Quirino Highway sa District 5, at Central Avenue sa District 6.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng Works by Administration, sa pangunguna ng mga District Action Offices at ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), katuwang ang mga QCitizens na na-hire sa ilalim ng Public Employment Service Office (PESO).
Kabilang sa mga isinagawang improvements ang pag-aayos at pagpapalawak ng mga sidewalk, paglalagay ng tactile tiles, at pagpapailaw sa mga lansangan upang mas maging accessible ang mga daan.
Layunin ng proyekto na gawing mas walkable, accessible, at ligtas ang mga sidewalk, at mahikayat ang mga QCitizen na maglakad o magbisikleta, lalo na sa panahon ng krisis.










