Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tayo ay nakapagbigay ng trabaho sa karagdagang 60 QCitizens para sa ating proyektong QC Re Vibe — ito ay sa ilalim ng Department of Engineering at Public Employment Service Office (PESO).
Ang QC Re Vibe ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga sidewalk at pagpapailaw sa mga lansangan, na naglalayong pagandahin, ayusin, at gawing mas ligtas ang mga pampulikong lugar sa lungsod.
Inaasahang madaragdagan pa sa higit 100 QCitizens ang mabibigyan ng trabaho habang isinasagawa ang QC Re Vibe.








