Para sa inyo ito, mahal naming QCitizens!
Dalawang award ang iginawad sa Lungsod Quezon sa ika-35 anibersaryo ng Department of Health (DOH)-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) nitong Oktubre 14, 2022.
Ginawaran ng Plaque of Recognition ang Lungsod Quezon dahil sa mahusay na pagpapatupad ng National AIDS/HIV/STI Prevention and Control Program upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na AIDS.
Binigyan din ng Plaque of Appreciation ang lungsod dahil sa suporta at ambag nito sa pagkamit sa iba-ibang layunin ng mga programang pangkalusugan tungo sa pagsasakatuparan ng Universal Health Care.