Good news, QCitizens!
Isa ang Lungsod Quezon sa anim na siyudad sa buong mundo na makakatanggap ng grant mula sa 2025 Global Cities Fund for Migrants and Refugees!
Layon ng programa na suportahan ang mga lungsod sa pagpapatupad ng makabagong solusyon at gawing mas inklusibo ang ekonomiya para sa mga migrante, refugee, at sa mga komunidad na tumatanggap sa kanila.
Sa tulong ng Mayors Migration Council, ilulunsad ng lokal na pmahalaan ang QC Cares, ang kauna-unahang cooperative para sa domestic workers at nakauwing overseas Filipino workers sa QC.
Sa pamamagitan ng savings, credit schemes, training, at job-matching services magkaroon ng access ang mga miyembro ng budget sa livelihood, social protections, at pagkamit ang economic mobility.
Basahin ang buong detalye rito: https://mayorsmigrationcouncil.org/…/gcf-economic…/




