Kinilala ng Philippine Statistics Authority ang Quezon City dahil sa pagsasagawa ng Community-Based Monitoring System sa ginanap na PSA-NCR Stakeholders’ Forum noong October 24, 2023.

Tinanggap ni City Planning and Development Office Head, Arch. Sonny Rodriquez ang parangal kasama sina Mr. AA Arevalo, Division Head, Social Development Planning Division at Mr. Albino Abella, Division Head, Economic Development and Planning Division.

Ang Community-Based Monitoring System o CBMS ay ang pagkalap ng mga impormasyon na tumutukoy sa demographics at socio-economic activities ng mga sambahayan sa bawat lungsod at munisipalidad.

Ang mga impormasyong ito ay magagamit na basehan upang makatulong sa paggawa ng mga panukala at programang naaayon sa kalagayan at kabuhayan ng mga residente at ng komunidad.