Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sinimulan na ang QC ReVibe Project sa Quezon Avenue, sa pangunguna ng District 1 Action Office at Quezon City Department of Engineering (QCDE).
Layunin ng proyekto na gawing mas walkable, accessible, at ligtas ang mga sidewalk, at mahikayat ang mga QCitizen na maglakad o magbisikleta.
Kabilang sa mga isinagawang improvements ang pag-aayos at pagpapalawak ng sidewalk, pati na ang paglalagay ng tactile tiles upang maging mas accessible at ligtas na lakaran para sa lahat.
Patuloy ang mga gawain sa bahaging ito ng Quezon Avenue bilang pagpapatuloy ng mga nauna nang natapos na QC ReVibe Project sa Tomas Morato at Litex Market.








