Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang idinaos na QC SAFE: Empowering Business Establishments to Combat Exploitation na pinangasiwaan ng Social Services Development Department at ECPAT PH sa M.I.C.E Center.
Nakibahagi sa summit ang mga kinatawan ng mga hotels at hospitality sector sa lungsod.
Tinalakay naman ng programa ang mga usapin patungkol sa anti-trafficking, lahat ng uri ng pananamantala, at children protection measures.
Personal ding iginawad ng alkalde sa 10 hotels ang QC SAFE Seal matapos silang sumailalim at makapasa sa masusing proseso.










