Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sama-sama para sa ligtas na paaralan! ![]()
![]()
Sa Quezon City, ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral ay responsibilidad nating lahat.
Sa pamamagitan ng QC Safe Schools Whole-of-Community Framework, pinagtitibay natin ang pagtutulungan ng mga mag-aaral, magulang, guro, paaralan, barangay, kapulisan, Quezon City Government, at iba pang katuwang sa komunidad upang matiyak na ang ating mga paaralan ay ligtas, inclusive, child-friendly, at protektadong espasyo para sa bawat bata. ![]()
![]()
Dahil ang ligtas na paaralan ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan—lahat tayo ay may mahalagang papel na ginagampanan. ![]()
QC Safe Schools: Sama-sama para sa ligtas na paaralan!





