Sa pangunguna ng REACT (Reduce Exploitation and Abuse of Children Together) Project, SK Federation of Quezon City, at Quezon City Government, matagumpay na idinaos ang QC Safer Internet Day for Children 2025 na may temang “Together for a Better Internet”.

Layon ng pagtitipon na palakasin ang kampanya para sa mas ligtas na internet para sa kabataan at mas epektibong laban kontra Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

Kabilang sa mga dumalo sina QC Public Employment Service Office head Rogelio Reyes, Ms. Ana Dionela at Mr. Erwin Forte ng ECPAT Philippines, Philippine Children’s Ministries Network (PCMN) National Director Ms. Fe Foronda, Ms. Maria Mikhaela De Leon-Homillano ng PCMN, at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa iba-ibang barangay ng lungsod.

QCitizens, sama-sama nating itaguyod ang isang mas ligtas at responsableng internet para sa mga bata!

#QuezonCityForSaferInternet#TogetherForABetterInternet#SaferInternetDay2025#DigitalBayanihanParaSaKabataan#SaferInternet4Kids

+35