Nagsagawa ng Food Rescue Kitchen activity ang Lungsod Quezon, Scholars of Sustenance (SOS) Philippines at Allianz PNB Life Insurance, Inc. sa Molave Youth Home.

Umabot sa 1,200 na pagkain ang naihanda ng grupo para sa mga batang kasalukuyang nanunuluyan sa Molave Youth Home.

Nahandugan din ng pagkain ang mga bumisitang magulang at nakapag-uwi pa para sa kanilang pamilya.

Bahagi ito ng post celebration ng World Food Day na ginunita noong Lunes, Oktubre 16.

Nagbigay naman ng financial literacy seminar ang Allianz PNB Life Insurance, Inc. sa mga magulang habang ang kanilang volunteers ay nakipag-bonding sa mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga makukulay na paso mula sa mga recyclable PET bottles.

Ang SOS PH ay isang non-profit food rescue organization. Layon nilang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mabawasan ang food waste sa pamamagitan ng pag- rescue ng mga sobrang pagkain na malapit nang itapon ng mga establisimyento at mga negosyo sa lungsod at ibahagi ito sa mga nangagailangang komunidad at pamilya.

Ang QC ang kauna-unahang LGU na partner ng SOS na nagsasalba ng mga sobrang pagkain sa mga establisimyento na ibinabahagi sa mga komunidad para matugunan ang kagutuman.

Kabilang sa mga nanguna sa aktibidad si QC Sustainable Development Projects Officer at QC Food Security Task Force co-chairman, Emmanuel Hugh Velasco II.

Ang food rescue kitchen partnership ay bahagi din ng pag-promote ng lungsod sa circular economy at GrowQC food security.

#GrowQC #FoodRescue #SOSPh #AllianzPNB

+10