Nakatanggap ang Quezon City ng score na 99 over 100 sa isinagawang Energy Audit ng team na binubuo ng Department of Science and Technology at Department of Energy.

Ang Energy Audit ay isinasagawa upang matiyak na masinop na ginagamit ng mga lungsod ang electricity at fuel bilang bahagi ng Government Energy Management Program.

Nilibot ng inspeksyon team ang mga opisina ng pamahalaang lungsod, in-assess ang paggamit nito ng kuryente at inalam ang polisiya at programa ng QC sa energy conservation and efficiency mula sa mga itinalagang Energy Conservation Officers.