Nagsagawa ng conference/workshop ang 50 sectoral representatives ng Lungsod Quezon bilang bahagi ng pagpapalakas at pagpapaigting ng kakayahan ng samahan.
Dito ay tinalakay ng grupo ang mga isyu at suliranin na kanilang kinakaharap at mga hakbangin upang ito ay masolusyunan.
Nagsilbing speaker sa conference sina Barangay & Community Relation Department (BCRD) Head, Mr. Ricardo B. Corpuz, BCRD District 3 Coordinator, Mr. Jeorge Lachica, City Council Committee on Public Affairs and People’s Participation Chairperson, Coun. Anton Reyes III at Council of Sectoral Representatives Chairman, Mr. Edilberto M. Adraneda.