Iginawad ng lokal na pamahalaan ang QC Service Award sa mga kawani ng lungsod na naglingkod nang 20 taon o higit pa.
Nanguna sa pagbibigay ng pagkilala sina Mayor Joy Belmonte, Majority Floor Leader Doray Delarmente, at mga konsehal.
Ang pagpupugay nagsisilbing simbolo ng pasasalamat at paghanga sa dedikasyon ng mga kawani, na naging bahagi at tagumpay ng Quezon City sa paglipas ng mga taon.
Maraming salamat sa inyong serbisyo!
