Happy Monday, QC! ✨

Pinarangalan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang mga natatanging kawani ng pamahalaang lungsod sa Quezon City Service Award.

Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga empleyado na nagsisilbi sa QC Government ng 20 taon o higit pa.

Iginawad rin ang Career and Self Development Award sa mga empleyado na nakapasa sa licensure examination o sa kanilang pag-aaral habang ginagampanan ang tungkulin sa pamahalaan.

Nakiisa sa awarding sina QC Human Resource Management Department head Atty. Noel Del Prado, District 5 Rep. PM Vargas, at mga konsehal.

Bumisita rin sa lungsod ang broadcaster at BITAG Multimedia Network CEO na si Ben Tulfo.

+4