Isang pagbati sa mga nagsipagtapos ng One-Day Livelihood Program sa ilalim ng QC Skills and Livelihood Foundation Inc.
Umabot sa 394 ang sumabak sa training sa meat processing at nakatanggap ng starter kits mula sa pamahalaang lungsod.
Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang mga graduates na mag-apply sa Pangkabuhayang QC kung saan makatatanggap sila ng financial assistance para makapagsimula ng maliit na negosyo.




























