Sinimulan nang ilikas ang mga street dweller sa ilang lugar sa lungsod upang masiguro ang kanilang kaligtasan ngayong nananalasa ang Bagyong #KristinePH.
Pinangunanahan ng Social Services Development Department (SSDD) ang operasyon kasama ang Quezon City Task Force Disiplina at mga barangay personnel.
Dadalhin ang mga na-rescue sa mga processing center ng SSDD habang ay iba ay mananatili muna sa mga barangay para mabigyan ng karampatang intervention at tulong.