Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Puspusan ang pagkalinga ng Quezon City Government sa daan-daang pamilyang nasunugan sa NIA road, Barangay Pinyahan kagabi.
Bawat indibidwal at pamilya ay inaasikaso ng QC Social Services Development Department (SSDD). Sumasailalim na rin sila sa interview at assessment ng mga social worker.
Bukod dito, binibigyan na rin sila ng hot meals, at mga pangunahing pangangailangan habang nasa evacuation center.








