Suportado ng Quezon City Government ang alternatibong transportasyon tulad ng pagbibisikleta lalo na sa panahon ng pandemya. Kaya panay rin ang pamimigay nito ng bike, helmet at headlights para sa ating mga siklista.

Patuloy rin ang operasyon ng libreng sakay hatid ng ating Q City Bus para makaagapay sa mga commuter lalo na’t patuloy ang pagtaas ng petrolyo.

Ngayon, mga tricycle driver at operator ang tumanggap ng fuel subsidy mula sa lokal na pamahalaan.

#QCSpecialReport