TANGGAL BARA, IWAS BAHA SA QC!

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang implementasyon ng programang QC Tanggal Bara, Iwas Baha sa Barangay Central at Vasra.

Layon ng city-wide program na ito na maiwasan ang matinding pagbaha sa pamamagitan ng malawakan at tuloy-tuloy na paglilinis ng drainage systems, manholes, sewer inlets, at mga kalsada sa 142 QC barangays.

Tinututukan rin ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad nito lalo na sa mga flood-prone areas at mga lugar na may pag-apaw ng tubig tuwing tag-ulan.

Kasama sa operasyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, Department of Sanitation and Cleanup Works head Richard Santuile, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, Public Affairs and Information Services Department head Bert Apostol, P/B Hildo Aviles, at P/B Rosa Magpayo.

#TayoAngQC

+18