Nagpatrolya ang Task Force Disiplina sa kahabaan ng Aurora Blvd, Barangay E. Rodriguez kaninang umaga. Ito ay para mapanatili ang seguridad ng mga motorista at siklista na dumadaan doon.
Pinangunahan ni Action Officer Deck Pelembergo ng TF Disiplina ang pagpapatrolya. Ang mga nasitang motorista at siklista na hindi nakasuot ng helmet ay inimbitahan sa command post ng TF-Disiplina para paliwanagan na ang pagsusuot ng helmet ng mga nagbibisikleta at nag momotor ay isang ordinansa sa QC.