TINGNAN: Agad na nirespondehan ang banggaan ng dalawang sasakyan sa kahabaan ng Ermin Garcia St., Brgy. Bagong Silangan ngayong araw, April 11, 2023.
Sa tulong ng District 3 Action Office sa pangunguna ni Action Officer Atty. Thomas John Thaddeus de Castro, mga tauhan ng QC Task Force Disiplina, Traffic and Transport Management, at traffic investigator, ay agad na naimbestigahan at naalalayan ang mga sangkot sa insidente.